2 motorbike thieves, tiklo
BULACAN, Philippines – Kalaboso ang dalawang lalaki na sinasabing notoryus motorbike thieves matapos na maaresto ng pulisya sa Barangay Caingin, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Buenaventura Capida ng Brgy. Calvario; at Luisito Cura ng Brgy. Zamora sa Meycauayan City, Bulacan. Base sa police report, naaktuhan ang mga suspek na ibinebenta ang isang motorsiklo na walang kaukulang papeles sa isang pulis na nagpanggap na buyer. Nasamsam sa dalawa ang cal. 9mm pistol at isang granada na sinasabing maghahasik na naman na karahasan sa nasabing lungsod. Kasalukuyang bineberipika sa Land Transportation Office ang pagkakakilanlan ng tunay na may-ari ng motorsiklo.
- Latest