Magnitude 5 na lindol tumama sa Cagayan

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang lalawigan ng Cagayan kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang sentro ng lindol sa 39 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan ganap na 10:36 Lunes ng gabi.

May lalim na 15 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Claveria, Cagayan, habang Intensity 2 naman sa Claveria, Cagayan at intensity 1 sa Laoag, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur.

Wala namang naitalang pinsala o aftershock ang lindol, ayon sa Phivolcs.

Show comments