Holdaper arestado

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang sinasabing notoryus na holdaper matapos itong maaresto ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Ismael Guinal, 29, cellphone techinician, tubong Marawi City at nakatira sa Sitio Daungan, Barangay Malhacan sa nasabing lungsod. Base sa police report, inireklamo ng biktimang si Alberto Montarial ang suspek dahil sa ginawa nitong panghoholdap sa kanya sa madilim na bahagi ng Sitio Daungan kung saan nilimas ang kanyang personal na mga gamit. Nasakote ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa modus operandi nito. Narekober sa suspek ang cal. 38 revolver  at mga bala ng baril.

Show comments