Van hulog sa bangin, lolo dedo

Van hulog sa bangin

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nasawi ang isang 68-anyos na lolo habang 12 ang malubhang nasugatan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang van sa isang 100 metrong lalim na ba­ngin sa bulubundu­king highway ng Barangay Batan, Kabayan, Benguet noong Bagong Taon.

Batay sa report na nakarating sa Office of the Civil Defense Cordillera Region,  kinilala ni Director Alex Uy ang nasawing si Ramon Alberas, residente ng Brgy. Naguey, Atok, Benguet.?

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ang mga biktima ng van (XGU-210) na minamaneho ni Cornelio Censo, 47 para sana makipaglibing sa  namayapang kaanak.

Habang binabaybay ang highway ay nawalan ng kontrol si Censo, 47 sa manibela dahil sa madulas ang kalsada dulot ng pag-ulan at tuluy-tuloy itong bumulusok sa bangin na may lalim na 100 metro.

Dinala ng mga rescuer ang mga biktima sa Benguet General Hospital kung saan nalagutan ng hininga ang matanda habang ginagamot.

Show comments