Shootout: Drug pusher dedo

PAMPANGA, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na drug pusher matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Sapang Bato, Angeles City, Pampanga kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Romy Malonzo ng Barangay Lourdes Northwest at ika-10 wanted na drug personality sa nasabing lungsod. Sa police report na isinumite sa Camp Julian Olivas, sinalakay ng pulisya ang isang kubo na sinasabing may pot session matapos makatanggap ng impormasyon. Gayon pa man, papalapit pa lamang sa nasabing lugar ay pinutukan sila ni Malonzo kaya napilitang gumanti ng pulisya hanggang sa mapatay ito habang nakatakas naman ang iba pang kasamahang drug pusher. Narekober sa encounter site ang cal. 357 revolver.

Show comments