Abu vs militar: 2 sundalo patay

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang napaslang matapos ang madugong sagupaan laban sa mga teroristang Abu Sayyaf Group sa liblib na bahagi sa Sitio Palan, Barangay Mampallam sa bayan ng Talipao, Sulu kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat ng AFP-Western Mindanao Command, nagsasagawa ng security patrol operation ang tropa ng Philippine Marines nang makasagupa ang grupo ng ASG kung saan napatay ang dalawang sundalo habang isa naman ang nasugatan. Umabot sa 15-minutong bakbakan bago nagsitakas ang mga terorista na pinaniniwalaang nalagasan din ng puwersa sa pakikipagpalitan sa tropa ng militar. Ipinaabot naman ni Lt. Gen. Mayoralgo Cruz, hepe ng AFP Western Mindanao Command ang pakikiramay sa naulilang pamilya ng dalawang sundalo at tiniyak ang pagbibigay ng tulong ng mga kinauukulan.

Show comments