^

Probinsiya

29 mountaineers na-trap sa Mt. Pinatubo, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang 29 mountaineers na-trap sa Mt. Pinatubo sa inilatag na rescue operation kahapon sa bayan ng Porac, Pampanga.

Sa pahayag ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, dalawang babaeng trekker at isang lalaki ang sugatang nasagip at dinala na sa pagamutan.

Nabatid na napilitan na ang mga hiker na tumawag sa Pampanga Tourism Office dahil naubusan ng pagkain at tubig matapos na ma-trap sa tuktok ng Mt. Pinatubo na inakyat ng mga ito noong Sabado.

Nang mabatid ang insidente ay agad nagdispatsa ng isang Sikorsky S 76 aircraft at UH-IH helicopter ang Philippine Air Force mula sa Crow Valley, Tarlac upang tumulong sa rescue operations.

Nagdispatsa rin ng military truck ang Philippine Army na naka-standby sa bayan ng Porac, Pampanga.

Samantala, ayon sa Office of Civil Defense Region 3 Spokesman Nigel Lontoc, hindi nakipagkoordinasyon at hindi rin humingi ng clearance o permiso sa Tourism Office ang mga na-trap na mountaineers nang umakyat sa Mt. Pinatubo.

Kabilang naman sa nag­sasagawa ng rescue ope­rations bukod sa AFP ay ang Porac PNP, Quick Res­ponse Team ng Porac at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pampanga.

ACIRC

ANG

CROW VALLEY

MT. PINATUBO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE REGION

PAMPANGA

PAMPANGA TOURISM OFFICE

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE ARMY

PORAC

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with