Walang pang-media noche… Mister inutas ni misis

Napatay sa saksak ang 33-anyos na magsasaka ng kanyang sariling misis makaraang magtalo kaugnay sa kawalan ng pambibili ng pagkain sa media noche kamakalawa ng umaga sa Purok 5, Barangay Mamala 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon. STAR/File photo

QUEZON, Philippines – Napatay sa saksak ang 33-anyos na magsasaka ng kanyang sariling misis makaraang magtalo kaugnay sa kawalan ng pambibili ng pagkain sa media noche kamakalawa ng umaga sa Purok 5, Barangay Mamala 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Hindi na umabot ng buhay sa Lucena United Doctors Hospital dahil sa malalim na saksak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Rodante San Vicente habang nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Laarni San Vicente, 28.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa tungkol sa kawalan ng ipambibili ng ihahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa gitna ng pagtatalo ay iginiit ng biktima na pagtiyagaan na lamang ang mga gulay at prutas sa kanilang bakuran na ikinagalit naman ng suspek.

Dito na kumuha ng itak ang mister upang takutin ang asawa subalit naagaw ito sa kanya kaya naganap ang pananaksak.

Show comments