5 Abu patay sa encounter

Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado, bandang alas-8:10 ng umaga nang makaengkuwentro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)) 8 ang grupo ng Abu. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Limang miyembro ng   te­roristang Abu Sayyaf Group ang napatay makaraang makasagupa ang militar sa kagubatan ng Barangay Liang sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado, bandang alas-8:10 ng umaga nang makaengkuwentro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)) 8 ang grupo ng Abu.

Lumilitaw na sinusu-yod ng pangkat ni Lt. Col. Wilfredo Manalang ang kagubatan nang makasagupa ang mga terorista sa pamumuno ni ASG Commander Ninok Sapari kung saan sumiklab ang matin-ding bakbakan.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan bago nagsiatras ang mga kalaban matapos bumulagta ang lima nilang kasamang terorista.

Isa sa limang bangkay habang ang apat naman ay pinaniniwalaang bitbit ng mga kasamahang nagsitakas habang wala namang nasugatan sa panig ng militar.

Narekober sa encounter site ang pitong matataas na kalibre ng armas kabilang ang M14 rifle, M16 rifle, da­lawang M203 grenade launcher, isang M4 at mga bala.

Patuloy naman ang ma­la­wakang pagtugis sa mga terorista na salot sa Kamindanaoan.

Show comments