Remittance center, pinasabugan

NORTH COTABATO, Philippines – Isa na namang remittance center ang pinasabugan ng mga hindi kilalang lalaki sa Barangay Matibay, Lamitan City sa Basilan kamakalawa ng madaling araw. Sa ulat ng Lamitan City PNP, naganap ang pagsabog pasado alas-12 ng madaling araw kung saan inilagay ang IED sa harapan ng Mlhuiller Money Remittance Center. Nawasak ang ilang bahagi ng nasabing establishment kung saan wala namang napaulat na nasugatan sa naganap na pagsabog habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments