MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lolo makaraang masagasaan sa Maria Clara L. Lobregat Highway sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Celestino Enriquez, 78, ng Purok San Isidro, Brgy. Boalan sa nasabing lungsod; at Asiong Milyan, 64. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, si Enriquez na tumatawid sa nasabing highway nang masalpok ng pampasaherong jeepney (JVG641) ni Ruben Eugenio. Habang nabundol naman ng motorsiklo ni Reynald Paul del Rosario ang biktimang si Milyan habang tumatawid sa nasabing highway sa Barangay putik bandang alas-4 ng hapon. Kapwa isinugod sa Zampen Hospital subalit idineklarang patay.