Maglola nilamon ng ilog

QUEZON, Philippines – Mistulang sumunod sa papaalis na dalawang sama ng panahon ang maglola makaraang mamatay nang tangayin ng flashflood ang kanilang sinasakyang maliit na bangka sa ilog Agos sa Barangay Pagsangahan sa bayan ng General Nakar, Quezon kamakalawa ng umaga. Nasa state of decomposition na nang matagpuan dakong alas-9 ng umaga ang mga biktimang sina Maria Adova, 60; at Charlie Ayura, 6, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, magkasamang lulan ng bangka ang  maglola mula sa Barangay Magsaysay nang lamunin ng mala­king alon dahil sa flash flood.

Show comments