13 arestado sa shabu session

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 13-katao makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa shabu session sa loob ng dalawang bahay na abandonado sa Barangay Batia, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Eduardo Conde, 60; asawa na si Helen Conde, 60; Edwin Guanco, 19; Jayson Del Mundo, 29; Edson Jade Benbinuto, 19; Reyniel Cayetano, 19; Jhay-Ar Vergara, 23; Roberto Salazar, 34; Albert Rentino, 27; Richard Santiago, 43; Michael De Castro, 32; Rolando Jacinto, 35; at si Raymond Hizon, 21, mga residente sa Brgy. Mapulang Lupa sa bayan ng Pandi.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Ganaban Ali, sinalakay ng pulisya ang dalawang bahay na abandonado sa Saint Martha Homes makaraang makatanggap ng impormas­yong may shabu session.

Naaktuhan ang mga suspek sa shabu session kung saan nasamsam ang siyam na plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments