4 drug peddlers arestado

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang apat ng lalaki na umano’y mga tulak ng shabu matapos na magsagawa ng magkasunod na operasyon ang pulisya hinggil sa “One Time Big Time” sa mga barangay ng Loma De Gato at Prenza 1 sa bayan ng Marilao kamakalawa ng hapon.

Kaagad na sinampahan ng mga kaukulang kaso ang mga suspek na sina Allan “toto” Samson, 42, Rey “Toto” Lopez, 38, Dennis Estorosas, 27 at Ronnie Tobilia, 18, pawang residente ng Mary Grace Subdivision, Brgy.Prenza 1, pawang sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Supt. Lai­lene Amparo, dakong alas-2:30 ng hapon nang masakote si Lopez sa isang lugar sa Brgy. Loma de Gato matapos na pagbilhan nito ng item ang isang poseur buyer na pulis kapalit ang marked money at nakarekober pa ng panibagong anim na pakete ng shabu.

Timbog din sina Lopez, Estorosas at Tobilla habang nagbebenta sa loob ng isang bahay na pag-aari ng  isang alyas Toto Lopez kung saan nasamsam dito ang apat pang pakete ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalias at marked money na ginamit sa ope­rasyon.

Show comments