Akyat-bahay pinabulagta

CAVITE, Philippines – Napatay ang sinasabing miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng subdivision sa Barangay Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktimang nasa edad 30 hanggang 35, may taas na 5’4 hanggang 5’5 pulgada, nakapulang polo shirt, puting short, may tattoo na commando sa likod ng katawan.  Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, bandang ala-1:10 ng madalig araw nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril sa bahagi ng South Garden Subd. Gayon pa man, natagpuan ang duguang katawan ng biktima na walang tsinelas na pinaniniwalaang tumitiyempo na pumasok sa isang bahay.

Show comments