Inaway ng nobya, nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 18-anyos na lalaki ang pakikipagtalo sa kanyang syota na nauwi sa hiwalayan matapos itong magbigti sa punungkahoy sa likurang bakuran ng kanilang bahay sa Purok 4, Barangay Tulay na Lupa sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Bandang alas-2 ng madaling araw ng matagpuang nakabitin ang biktimang si Bobby Gacos.  Ayon kay PO3 Andres Esguerra, huling namataang buhay ang biktima na tahimik at walang kinakausap kung saan nagkukulong sa kanyang silid. Ilang araw matapos na magtalo ang biktima at nobya nito ay mawalan na ito ng ganang kumain hanggang sa matagpuang nakabitin sa punungkahoy.

 

Show comments