2 miyembro ng gang utas sa bakbakan

Kinilala ang mga napatay na sina Marciano “Amar” Tiwan at Wilfred Albios na sinasabing sangkot sa gun-for-hire at may mga kasong murder at frustrated murder. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Napaslang ang dalawang miyembro ng kriminal na gang  habang arestado ang isa pa sa naganap na shootout sa Barangay Langin Ronda, Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina Marciano “Amar” Tiwan at Wilfred Albios na sinasabing sangkot sa gun-for-hire at may mga kasong murder at frustrated murder.

Samantala, arestado naman ang isa pang gang member na si Bemar Mejares na sinasabing isa sa mga most wanted na kriminal sa bayan ng Argao, Cebu na nasamsaman ng mga armas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nabatid na papasok pa lamang ang mga elemento ng pulisya matapos na makatanggap ng ulat kaugnay sa mga armadong kalalakihan nang salubungin ng putok mula sa mga sindikato na nauwi sa bakbakan.

Kaagad na tumimbuwang ang dalawa habang naaresto naman ang isa.

Ayon sa pulisya, ang mga napatay ay sangkot sa pananambang sa isang kandidato ng Liberal  Party noong Disyembre 4 sa nasabing lungsod.

Show comments