Opisyal ng asosasyon, nilikida

Isang tama ng bala ng baril sa batok ang tumapos sa buhay ni Lolito Franco, trasikel drayber at residente ng Northville 6 sa Barangay Santol sa bayan ng Balagtas. File photo

BULACAN, Philippines – Napatay ang 56-anyos na vise president ng homeowner association matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng  Barangay Pulong Gubat sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Isang tama ng bala ng baril sa batok ang tumapos sa buhay ni Lolito Franco, trasikel drayber at residente ng Northville 6 sa Barangay Santol sa nasabing bayan. Ayon kay PO3 Richard Lagman, namamasada ng traysikel ang biktima nang barilin ng tandem sa kahabaan ng provincial road sa nasabing barangay. Gayon pa man, hindi naman idinamay ang tatlong pasahero ng biktima na nabigla sa nasaksihang pamamaril.

Show comments