^

Probinsiya

Van vs trak: 6 patay, 2 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong van at dump truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Naparaan, bayan ng Salcedo sa Eastern Samar, kamakalawa ng hapon

Sa ulat ni P/Senior Insp. Mark Nalda na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Rhodora Garcia ng Barangay Maslog, Lawaan; Gilberto Labicane, Julita Labicane, Jasmine Labicane, mga nakatira sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar, Juanito Tienes at ang driver ng van na alyas Peter.

Ginagamot naman sa Guiuan General Hospital ang mga sugatang sina Edgar Gagap ng Lawaan, Eastern Samar; at Freshly Tienes ng Barangay Calibaan, Tacloban City, Leyte.

Bandang alas-12:05 ng hapon nang magsalpukan sa Maharlika Highway ang UV Express Service van na may plakang HVN 942 at dump truck na may plakang NPI 412 na pag-aari ng Hanjin Heavy Industry and Construction Co. na minamaneho ni Felix Piang.

Tumakas ang driver ng truck matapos abandonahin ang kanyang sasakyan sa bahagi ng Quinapundan, Eastern Samar habang patuloy naman ang im­bestigasyon.

 

ANG

BARANGAY CALIBAAN

BARANGAY MASLOG

BARANGAY NAPARAAN

CAMP CRAME

EASTERN SAMAR

EDGAR GAGAP

EXPRESS SERVICE

FELIX PIANG

FRESHLY TIENES

MAHARLIKA HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with