Kagawad utas sa ambush

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 48-anyos na trader at kasaluku­yang konsehal ng barangay ma­tapos siyang tambangan at pagbabarilin habang minamaneho ang kanyang SUV sa highway ng Barangay Dilavo, Pasuquin, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Ilocos Norte Police Director Sr.Supt Albert Ocon ang napatay na si Kagawad Stanberg Ragonjan, 48, ng Barangay Caruan, Pasuquin.?

Ayon sa report, sakay si Ragonjan sa kanyang Toyota Fortuner SUV (TII- 898) nang pagraratratin ng bala ng mga nakaabang na armadong lalaki dakong alas-4:00 ng hapon.?

Ayon sa mga nakasaksi, nagsitakbuhan lamang palayo sa crime scene ang mga killers matapos ang pananambang.?

Namatay naman habang ginagamot sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City ang kagawad matapos ang mahigit isang oras.?

Show comments