Collector patay sa holdaper

Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Reynante Tabora, binata at nakatira sa Pasomil, Barangay Kaypombo sa nasabing bayan.STAR/File photo

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 32-anyos na lending collector na naniningil ng mga pautang matapos itong barilin ng tatlong holdaper sa Barangay Pulong Buhangin, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Reynante Tabora, binata at nakatira sa Pasomil, Barangay Kaypombo sa nasabing bayan.

Kaagad namang tumakas ang mga holdaper lulan ng dalawang motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Balasing.

Ayon kay P01 John Carlo Clemente, patungo sa opisina ang biktimang lulan motorsiklo mula sa pangongolekta ng pautang nang harangin ng dalawang motorsiklo na lulan ng tatlong holdaper pagsapit sa KM38 sa Sitio Bilucao II.

Gayon pa man, nanlaban ang biktima kaya napilitan ang mga holdaper na putukan siya saka tumakas bitbit ang sling bag na naglalaman ng mala­king halaga na koleksyon.

Show comments