Sekyu nagbaril sa sarili, utas

NUEVA ECIJA, Philippines – Nakunan sa closed-circuit television camera ang ginawang pagpapakamatay ng 54-anyos na security guard matapos itong magbaril sa sarili sa binabantayang rice mill sa Tulat Road, Barangay Calaocan sa San Jose City, Nueva Ecija noong Martes ng hapon. Tama ng bala ng baril sa kanang batok ang tumapos sa buhay ni Jesico Deles, security guard ng Light Supervision Security Agency at nakatira sa Barangay Porais sa nasabing lungsod. Nabatid pa sa imbestigasyon na tatlong araw bago ang insidente ay may sinabi ang biktima sa kanyang ka-live-in na si Leticia Ballesteros na magpapakamatay ito sa hindi nabatid na dahilan. Narekober ng pulisya ang ginamit na cal. 9mm pistol ng biktima.

Show comments