2 nangisay sa kuryente

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang mapahawak sa talop na linya ng kuryente sa Barangay Tabi, bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Gubat District Hospital ang mga biktimang sina Rachel Datu Fernando, 26; at Marwin Mendoza, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, patungong centro ng barangay si Fernando nang madulas sa maputik na kalsada. Gayon pa man, napahawak ito sa talop ng linya ng kuryente kaya nagkikisay. Namataan naman ni Mendoza ang pangyayari kaya  sinaklolohan ang babae subalit maging siya ay nangisay din. Mabilis namang pinutol ang linya ng kuryente para maalis ang dalawa subalit hindi na umabot ng buhay sa nasabing ospital.

Show comments