Mister inutas sa sabungan

CAMARINES NORTE, Philippines – Napatay ang 44-anyos na mister matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa loob ng sabungan sa Ragay Cockpit Arena sa Barangay Apad, bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ng biktimang si Edwin Mercado ng Zone 7, Barangay Liboro sa nasabing bayan. Base sa police report, nanonood ng sabong ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen. Nagpulasan naman ang mga sabungero palabas ng sabungan sa takot na madamay sa pamamaril. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pagiging food vendor ng biktima.

 

Show comments