Ina, lola kinatay ng anak na adik

Sa pahayag ni PO2 Jerry Santiago, malimit ireklamo ang suspek na si Seiitchi San Koike na anak ng Hapones sa sariling ina na si Betty Tobias, 47; at lolang si Maxima Tobias, 77, dahil sa pambubugbog sa tuwing lango ito sa droga.? Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang nanay at lola makaraang pagtatagain ng 23-anyos na anak na sinasabing adik sa Barangay Cebu, San Isidro, Isabela kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ni PO2 Jerry Santiago, malimit ireklamo ang suspek na si Seiitchi San Koike na anak ng Hapones sa sariling ina na si Betty Tobias, 47; at lolang si Maxima Tobias, 77, dahil sa pambubugbog sa tuwing lango ito sa droga.?

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ay sinasabing binubulungan ng mga espiritu kung saan nag-uutos sa kanya na pagtatagain ang sariling nanay at lola.

Ayon pa sa ulat, nada­t­nan ng mga kapitbahay ang kalunus-lunos na sinapit ng ina at lola sa kanilang bahay dakong alas-4:30 ng mada­ling araw.?

Isinailalim sa police manhunt ang suspek na kinasuhan ng two-counts of parricide.

Show comments