97 police trainees, nalason
MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ang pagkalason ng 97 police trainees matapos na malason sa kinaing adobong manok at ginataang kalabasa sa Surigao City, Surigao del Norte, ayon sa opisyal kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Martin Gamba, PNP regional spokesman, nakabalik na sa kanilang training school ang nasa 64 police trainees.
Samantala, nasa 32 pa ang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan makaraang dumanas ng matinding diarrhea at panghihina ng katawan.
Nabatid na noong Biyernes ng hapon hanggang Sabado ay isinugod sa pagamutan ang 97 police trainees matapos na sumakit ang tiyan at dumanas ng matinding diarrhea.
Ang mga police trainees ay nagsasanay sa Police National Training Institute sa Camp George Barbers, ang training school sa ilalim ng Philippine Public Safety College sa Barangay Lipata sa nasabing lungsod.
Kasalukuyang hinihintay ang laboratory results na isinagawa ni Dr. Luis Logarte ng Surigao City Health Office.
Sinuri na rin ang sample ng kinaing adobong manok at ginataang kalabasa na kinain ng police trainees.
Aabot naman sa 550 police trainees sa nasabing training school pero nasa 97 lamang sa mga ito ang naapektuhan.
- Latest