Municipal agriculturist, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang 52-anyos na municipal agriculturist makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Labuo, bayan ng President Roxas sa North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Romy Duot Castañares, hepe ng President Roxas PNP ang biktima na si Antonio Cuaresma Doton, may asawa at nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, patungong trabaho ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa Kidapawan City nang tambangan ng hindi kilalang lalaki. Sinisilip naman ang anggulong may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaslang.

Show comments