Kinalasan ng ka-live-in, nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa buhay ang 25-anyos na mister na sinasabing kinalasan ng kanyang ka-live-in matapos itong magbigti sa kanyang bahay sa Purok 4, Barangay Tulay na Lupa sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ang biktimang si Alberto Alpa, tubong Unisan, Quezon at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay. Huling namataang buhay ang biktima na umiinom ng alak matapos na makipagtalo sa kanyang ka-live-in na si Jennifer Artista noong Linggo ng umaga. Nabatid na inakusahan ng biktima ang kanyang ka-live-in na may ibang karelasyong lalaki kung saan itinanggi naman nito. Dahil sa matinding galit, ay lumayas ang babae kung saan nagbigti naman ang biktima.

Show comments