Lider ng NPA sa Bicol, dakma

MANILA, Philippines – Isa na namang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bicol Region ang nasakote ng mga awtoridad matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Barangay Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ang nasakoteng NPA rebs na si Andres “Ka Magno” Hubilla, dating kalihim ng Komiteng Probinsya ng Sorsogon at kasapi sa Bicol Regional Party Committee ng CPP-NPA. Sa tala ng military at PNP, si Hubilla ay akusado sa kasong murder at attempted murder na isinampa sa Sorsogon Regional Trial Court. Nasamsam sa suspek ang isang granada, cellphone at mga subersibong dokumento. Pansamantala namang isinailalim na sa kustodya ng Trece Martirez City si Hubilla para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng karagdagang kaso.

Show comments