Jailbreak: 8 preso nakapuga

CAVITE, Philippines – Walong preso na may iba’t ibang kasong kriminal ang nakapuga makaraang lagariin ang rehas na bakal ng pintuan ng kanilang selda sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga nakapuga na sina Marvin Sulit, Mark Leonard Hallegado, Jomarie Monforte, Jimmy Tan, Ferdinand Sagun, Regie Balubal, Ronald Gealog at si Christopher De Luces. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang makapuga ang mga preso subalit ilang oras naman ay nasakote naman ang anim. Samantala, pinaghahanap naman sina Gealog at Luces na may mga kasong carnapping at robbery. Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang guwardiyang si P01 Freal Lagaran Penachos.

 

Show comments