17-anyos nagbigti sa puno

CAVITE, Philippines – Dahil sa ma­tinding kahirapang nararanasan, isang 17-anyos na binatilyo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti sa isang puno ng mangga kamakalawa sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City.

Kinilala ni Police Supt. Joseph Arguelles, hepe ng pulisya, ang biktima sa alyas Tonton, ng Blk 4 Lot 28 Manuelaville Sub. Brgy. San Agustin 2.

Sa imbestigasyon ni P03 Elmo Caboboy,  alas 10:30 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting biktima sa isang puno ng mangga ‘di kalayuan sa tirahan nito.

Ipinalalagay na dahil sa matinding kahirapan ng kanyang pamilya ang siyang nagtulak sa biktima na magpakamatay. Ginamit ng biktima sa pag­bibigti ang lumang lubid na napulot nito.

Show comments