Ex-stuntman binoga sa ulo!

RIZAL, Philippines – Isang dating stuntman sa telebisyon ang nasawi nang barilin sa ulo ng ’di pa kilalang suspek na kinatagpo nito sa Antipolo City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay si Francisco Lagario Jr., 31, ng Sto. Niño, Barangay Sta. Cruz, ng lungsod.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Godfredo Kinhude Tul-O, chief of police, dakong alas-2:00 ng madaling-araw  habang nakikipaglamay ang biktima sa isang kakilala sa Sto. Niño, Barangay Sta. Cruz nang makatanggap siya ng text message kung kaya nagpaalam na aalis sandali dahil may kakatagpuing tao sa ’di tinukoy na lugar.

Habang naglalakad ang biktima sa ‘di kalayuan sa lamayan, bigla na lang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo ang una na agad niyang ikinasawi. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Show comments