Mag-ina kinatay ng adik

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina makaraang pagtatagain ng hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga sa naganap na karahasan sa Barangay Bungiao, Zamboanga City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mag-ina na sina Emmalyn Gallarde, 33; at Ricame Gallarde, 4, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng Police Regional Office 9 na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-3:30 ng hapon nang madiskubre ang mag-inang duguan sa liblib na bahagi ng Sitio Camp Soccorro. Huling namataang buhay ang mag-ina na naglalakad sa madamong bahagi ng nasabing lugar bago maganap ang krimen. Pinaniniwalaang lango sa droga ang responsable sa kalunus-lunos na krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

 

Show comments