Nambastos sa videoke bar, tinodas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 45-anyos na mangingisda nang ratratin ito ng pamangkin ng mayor matapos nitong bastusin ang mga kasamang babaeng kaanak sa loob ng  videoke bar sa Barangay San Vicente, bayan ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. ?Ipinag-utos ni P/Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng Sta. Ana PNP ang pagtugis sa suspek na si Ronel Tobias, pamangkin ni Mayor Darwin Tobias sa nasabing bayan. ?Sa imbestigasyon ng pulisya, inabutan ng suspek ang biktimang si Val Mateo at mga kasamahang senglot sa Kiriring Videoke Bar. ?Ayon sa ulat, binastos ng biktima ang dalawang kasamang babaeng kamag-anak ng suspek na nagbabakasyon lamang kung saan pinagsabihan pang mga pokpok ito.? Gayon pa man, nagdilim ang paningin ng suspek at pinagbabaril ang biktima saka tumakas kasama ang mga kaanak nito.? Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 40 pistol.

Show comments