CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang bumulagta matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Calamba Road sa Barangay Iruhin, Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Lester Acio, 27; bisor sa gasolinahan; at John Mark Acio, 28, seaman at kapwa nakatira sa Barangay Labas, Sta. Rosa City, Laguna. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang nawalan ng kontrol kaya sumemplang at tuluyang sumalpok sa poste ng kuryente.