2 arestado sa P.58-M damo

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagpanggap na poseur-buyer ang dalawang pulis kaya nasakote ang mga suspek matapos masamsaman ng dalawang marijuana bricks na 2, 000 gramo. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang drug peddlers ang nasakote makaraang makumpiskahan P.58 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijauna sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Slaughter Compound, Baguio City noong Biyernes ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Susana Cruz, 28; at Remedios Lapitgan, 19, mga nakatira sa Barangay Lubas, bayan ng La Trinidad, Benguet. Ayon sa PDEA, pinaniniwalaang nagmula ang supply ng marijuana sa hangganan ng Mt. Province at Kalinga. Lumilitaw sa imbestigasyon na nagpanggap na poseur-buyer ang dalawang pulis kaya nasakote ang mga suspek matapos masamsaman ng dalawang marijuana bricks na 2, 000 gramo. Nagmula pa ang mga suspek sa Barangay Luccong sa bayan ng Tinglayan, Kalinga na sinasabing pugad ng plantasyon ng marijuana.

 

Show comments