Mister pinatay ng hipag

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang 41-anyos na mister matapos itong saksakin ng kanyang hipag sa Barangay Quintina, bayan ng San Pascual, Masbate kamakalawa. Kinilala ang mangingisdang biktima na si Felizardo Orlina Jr., hiwalay sa asawa habang sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek na si Lani Orlina, 28, mga nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, lango sa alak ang biktima nang pumasok sa bahay ng kanyang misis kung saan kinompronta ang hipag. Gayon pa man, tinangkang saksakin ng biktima ang kanyang hipag subalit naagaw nito ang patalim kaya naganap ang krimen.

 

Show comments