2 tulak tiklo sa P.1-M shabu

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Aabot sa P.1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Lucena PNP at PDEA sa dalawang itinuturing na kilabot ng pagtutulak ng droga makaraang maaresto sa magkasunod na drug bust operation sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Supt. Joel de Mesa, unang naaresto sa buy-bust operation sa Purok San Roque, Barangay 4 ang suspek na si Leopoldo Argame Jr., 32, ng Purok Kamnai sa Barangay Kanlurang Mayao. Nasamsam kay Argame ang 3 plastic sachet na shabu na may street value na P24, 780. Samantala, dakong alas-4 naman ng hapon nang masakote sa drug bust operation sa Purok Mangga, Barangay Mayao Castillo ang suspek na si Noel “Boyet” Cabatingaan, 37, ng Barangay Dalahican. Nasamsam kay Cabatingaan ang10.8 gramo ng shabu na umaabot sa halagang P127, 440.

Show comments