6 bata hinalay ng ‘bading’

PAMPANGA, Philippines – Maagang napariwara ang kinabukasan ng anim na batang lalaki makaraang halayin ng 40-anyos na sinasabing bading na nagpakilalang pastor sa Barangay Cuayan, Angeles City, Pampanga noong Biyernes ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rolando M. Doroja, PNP station 5 commander, kinilala ang suspek na si Joselito Rodela y Lesigues ng Block 20, Lot 39, Phase 3 sa Savannah Subd. sa nasabing barangay. Sa sinumpaang salaysay ng mga biktima, inalok ang mga bata na pumasok sa bahay ng suspek upang painumin ng tubig at bibigyan ng pera. Gayon pa man, pagpasok ng mga biktima ay sinimulan ng suspek ang panghahalay. Ipinagbigay-alam ng mga biktima sa kani-kanilang magulang ang naganap na insidente kaya dumulog kay Chairman Art Candelaria kung saan nasakote naman ng pulisya ang suspek.

Show comments