Lasenggong anak, inutas ng ama

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang isang umano’y lasenggong anak na matapos na pagpapaluin ng kahoy ng kanyang 63-anyos na ama dahil sa pagwawala at may tangan pang patalim sa Brgy. Abaca, Bangui, Ilocos Norte kamakalawa. Ayon kay Sr. Insp. Crispin Simon Jr. hepe ng PNP Bangui, namatay habang ginagamot sa opsital ang biktima na si Freddiemil Ramos, 41-anyos, overseas contract worker.?Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis si Alfredo Ramos na nagsabing hindi na niya natiis ang ginagawang pagwawala ng anak sa tuwing lango sa alak kung kaya’t pinagpapalo niya ng napulot na kahoy na siya nitong ikinamatay.

Show comments