Stude humithit ng damo, arestado

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nahaharap sa kasong kriminal ang 21-anyos na estudyante matapos itong maaktuhan ng security guard na  humihithit ng marijuana sa 2nd floor ng mall kamakalawa ng gabi. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Jeen Chard Balbin ng Barangay Maroroy sa bayan ng Daraga, Albay. Sa police report na nakara­ting sa Camp Simeon Ola, bandang alas-6 ng gabi nang masakote ang suspek matapos maaktuhang humihithit ng marijuana sa loob ng palikuran sa ikalawang palapag ng mall. Naghihimas ng rehas na bakal ang suspek habang inihahanda ang kaukulang ebidensya para sa pagsasampa ng kaso sa prosecutor’s office.

Show comments