5 sugatan sa grenade blast

NORTH COTABATO, Philippines – Lima-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na inihagis ng motorcycle-riding man sa panulukan ng Malvar Street at Rizal Street sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Ka­bacan PNP ang mga biktimang sina Berlie Baluyot, 46, ng Doña Aurora Street; Rosalie Pareñas, 36, ng Brgy. Bannawag; John Clark Mantilla Opeña, 13; Gerardo Ombrete Moya, 48, ng Maria Clara Street; at si Johainna Pops Suelo Alon, 17, ng Quirino street sa nasabing barangay.

Matatandaan na isang bata ang sugatan sa inihagis na granada sa harap ng Rock Oil Gasoline Station sa bayan ng Kabacan noong Nobyembre 11.

Posibleng pananabotahe sa peace and order situation ng bayan ang naganap na pagpapasabog.

Samantala, binulabog naman ng pagsabog ang ilang residente sa kahabaan ng Sinsuat Avenue sa tapat lamang ng Cotabato Christian Church sa Cotabato city, kamakalawa ng gabi.

Show comments