Trader itinumba sa karinderya
NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 57-anyos na retiradong pulis na may-ari ng meat shop matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa Lupao Public Market sa Barangay Poblacion North, bayan ng Lupao, Nueva Ecija noong Biyernes ng umaga. Napuruhan sa ulo si (ret.)SPO1 Gregorio Domingo Jr. y Balucanag, alyas Benito Warshock ng Barangay Poblacion West sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Manuel Cornel, umiinom ng kape ang biktima sa karinderya na may ilang metro ang layo sa kanyang meat shop sa nasabing palengke nang lapitan at barilin sa ulo habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest