3 utas, 1 sugatan sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlong katao ang sumalubong kay kamatayan samantalang isa pa ang sugatan sa dalawang insidente ng aksidente ng motorsiklo sa mga bayan ng Quezon at  Alicia, Isabela kamakalawa. Sinabi ni Isabela Police Spokesman Supt. Julio Go na kapwa lasing ang drayber na si Warlito Macaranas 47 at angkas niyang si Joseph Paringit 29 nang salpukin nila ang likuran ng sinusundang truck (WKN 847) sa Brgy. Barucboc bago maghatinggabi. Kapwa namatay habang ginagamot ang magkaibigan sa Roxas District Hospital.  Sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis ang truck driver na si Joel Baldonado, 47, ng Ramon, Isabela.? Sa bayan ng Alicia, pisak ang obrerong si Josepher Devilar, 27,  nang madaanan siya ng sumusunod sa kanyang passenger van.?Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol at sumadsad ang motorsiklo ni Devilar sa kalsada matapos nitong masagi si Jeremy Malupeng 23  na noon ay nagbubuhat ng isang sakong palay sa tabi ng highway. Dinaanan ng sumusunod na van ang biktima habang nakabulagta ito sa tabi ng kanyang motorsiklo.

Show comments