51-anyos trekker utas sa Mt. Pulag

MANILA, Philippines – Patay ang 51-anyos na tourist trekker matapos itong atakihin sa puso sa loob ng kanyang tent sa Mt. Pulag sa bayan ng Kabayan, Benguet noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat ng Cordillera PNP, bandang alas-10 ng gabi nang matagpuan ng kanyang kasamahang si Paul Alexis Bernardino sa kanyang tent sa Camp 2 ang biktimang si Edna Ocampo Villanueva ng Forest Hills Drive Subdivision sa Novaliches, Quezon City. Kaagad namang dinala ng mga pulisya sa Dennis Molintas Memorial Hospital sa bayan ng Bokod subalit hindi na umabot ng buhay ang biktima na sinasabing inatake sa puso. Nabatid na ang Mt. Pulag ay pinakamataas na bundok sa Luzon at ikalawa sa Mt. Apo.

Show comments