Caretaker nagbaril sa ulo

CAVITE, Philippines – Pinasabog ng isang caretaker ang sariling bungo sa loob mismo ng binabantayang farm sa Silang, Cavite kamakalawa ng hapon. Ang biktima ay si Rolando Alabe, 58, may-asawa, stay-in caretaker sa Nene Aguilars Farm na nasa Brgy. Balubad 2nd Silang, Cavite. Sa ulat,  dakong ala-1:00 ng hapon nang makarinig umano ang mga kasamahan ng biktima ng putok ng baril na galing sa tinutuluyan nito kaya agad nilang pinuntahan. Dito na bumungad ang nakahandusay at  duguang katawan ng biktima na may tama ng bala sa ulo. Napag alaman na may matinding sakit  umanong dinadala ang biktima at pinaniniwalaang ito ang nagtulak  upang wakasan ang kayang buhay.

Show comments