Chinese consultant nag-suicide!

CAMARINES NORTE, Philippines –   Wala ng buhay nang matagpuan ang  isang 27-anyos na Chinese national makaraang magpatiwakal sa loob ng isang abandonadong security post sa Sitio Agusan, Purok 3, Brgy. Pinagbirayan Malaki,  Paracale,  Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Lu Ziang, may asawa tubong Shanghai, China tumatayong consultant ng Riverage Construction Corporation at pansamantalang naninirahan sa nasabing barangay.

Dakong alas-6:25 ng umaga nang matagpuang nakalambitin ang biktima gamit ang isang itim na kurdon na itinali sa kanyang leeg.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Jessie Ramos, Chinese interpreter at Vice President ng nasabing kumpanya, bago naganap ang pagpapatiwakal ng tsek­wa, naikuwento ng biktima na diumano ay may malaking problemang kinakaharap sa kanyang asawa. 

Isang araw ang nakalipas hindi na nakita ang biktima hanggang sa ma­tagpuan sa abandonadong security post na wala ng buhay na nakalambitin.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung may foul play sa pangyayari.

Show comments