Mag-ina kinatay ng adik

Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP ang mag-ina na sina Emerald Bartolome, 49, negosyante; at Keith Bartolome, 15, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. STAR/File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina matapos pagnakawan ay pinagtataga ng kanilang houseboy na sinasabing lango sa droga sa Barangay Guinatan, Ilagan City, Isabela kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP ang mag-ina na sina Emerald Bartolome, 49, negosyante; at Keith Bartolome, 15, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang mag-ina ni Orlando Bartolome na isa namang negosyanteng matansero.?

Nagtamo ng 20 saksak sa katawan ang mag-ina na palatandaan ay matin­ding galit ang suspek.

Nabatid na nasa katayan ng baboy ang ama ng maganap ang malagim na pagpatay sa kanyang mag-ina.?

Pinaghahanap ng pulisya ang 32-anyos na suspek na si Melvin Mamuri na sinasabing tuma­ngay pa ng ilang kagamitan ng mag-ina matapos ang pamamaslang.?

Show comments