2 dedo sa road mishap

NUEVA ECIJA, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamata­yan ang magkaibigan makaraang sumemplang ang kanilang motorsiklo pagsapit sa kurbadang highway sa Barangay Bantug, bayan ng Carranglan, Nueva Ecija noong Martes ng hapon. Naisugod naman sa Carranglan Medicare Community Hospital subalit idineklarang patay ang mga biktimang sina Mark Lester Antonio, 23; at Emily Carig, 52, mga nakatira sa Barangay Salazar. Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang sumemplang bago tumilapon ng may ilang metro mula sa motorsiklo. Humampas sa sementadong kalsada ang dalawa kaya nagkabali-bali ang buto at basag ang bao ng ulo.

 

Show comments