Magtiyuhin tiklo sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang magtiyuhin na sinasabing notoryus na tulak ng shabu makaraang masakote sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Caingin, bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng mada­ling araw. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Ronald “Onie” Moya, 31; at Rubenito “Antoy” Moya, 50, na sinasabing miyembro ng Randy Bautista Drug Syndicate sa Bulacan. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Orlando Castil Jr., isinailalim sa pagmo-monitor ang mga suspek bago isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-2 ng madaling araw. Nasamsam sa mga suspek ang 27 plastic sachet ng shabu, fragmentation granade, dalawang celpone at marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments